Pagpapalakas ng digital footprint ni PBBM, tututukan ng bagong kalihim ng PCO

Ibinahagi ni Communications Acting Secretary Dave Gomez ang kaniyang initial assessment sa unang araw niya sa Presidential Communications Office (PCO).

Ayon kay Gomez, nakita niya ang laki ng organisasyon ng PCO at amg bigat ng kaniyang responsibilidad kaya naman pag-aaralan niyang mabuti ang kaniyang mandato.

Partikular dito ang proseso sa ahensya at papaano pa mailalapit sa publiko ang impormasyon mula sa national government.

Giit pa ni Gomez, isa sa mga tututukan niya ay ang pagtatatag ng digital footprint ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sisilipin din ng kalahim ang mga kasalukuyang istratehiya ng PCO, para matukoy kung alin sa mga ito ang kailangang baguhin o palakasin.

Gayundin ang patakaraan para sa media accreditation at mga panayam kay Pangulong Marcos sa mga aktibidad nito.

Facebook Comments