PAGPAPALAKAS NG DISASTER EMERGENCY RESPONSE SA SAN NICOLAS, TUTUTUKAN

Patuloy pang pinalalakas sa bayan ng San Nicolas ang kakayahang rumesponde sa banta ng anumang kalamidad maging emergencies sa bayan.

Alinsunod dito, nagpapatuloy ang konstruksyon ng itinatayong Emergency Operations Center na inaasahang mapapakinabangan ng mga residente sa pagtatapos nito.

Ang EOC ay tatlong-palapag na pasilidad kung saan sa bawat palapag ay nakapaloob ang operasyon ng mga kinauukulan sa tuwing may kalamidad upang matiyak ang mabisang serbisyo.

Samantala, sa pamamagitan din nito, inaasahang mas mapapabilis at mas maayos ang kinakailangang pagtugon ng buong DRRM Council sa panahon ng krisis. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments