Pagpapalakas ng educational system, kailangan para sa pag-unlad ng ekonomiya

Palakasin ang ating educational system upang maging susi sa pag-unlad ng ekonomiya.

Ito ang sinabi ng investment banker na si Mr. Benjie Palma Gil kasabay ng pagtaas ng demand sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.

Sa interview ng RMN Manila, inihalimbawa ni Gil ang medical field kung saan maraming Pilipinong Nurse ang kinakailangan ngayon ng iba’t ibang bansa lalo na’t nasa gitna tayo ng laban kontra sa COVID-19 pandemic.


Paliwanag pa ni Gil, kung sa ganitong larangan tayo umaangat ay kailangan pa itong mas palakasin upang makatulong din sa ating ekonomiya.

Dagdag pa nito, marami na ring foreigners na mas pinipiling dito mag-aral ng medical courses kagaya na lamang sa mga lalawigan ng Davao at Pangasinan.

Facebook Comments