
Suportado ng bansang Malaysia ang Pilipinas para mapayabong ang Halal industry nito.
Ayon kay Malaysian Ambassador to the Philippines Dato’ Abdul Malik Melvin Castelino, malaki umano ang potensyal ng Pilipinas na masungkit ang premium Halal gateway sa buong Southeast Asia.
Target din ng pamahalaan na magkaroon ng mas maraming pamumuhunan sa Halal industry na posibleng umabot sa $7.9 trillion pagdating ng taong 2028.
Samantala, bukod sa maraming Halal investor, posibleng makapagtala rin ng mas maraming trabaho ang nasabing industriya sa bansa.
Facebook Comments









