Pagpapalakas ng healthcare capacity bilang tugon sa pagtaas ng kaso ng virus, panawagan ng WHO sa Pilipinas

Dapat nang palakasin ng gobyerno ang healthcare capacity sa bansa kasabay ng pagtugon sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Takeshi Kasai, regional director for the Western Pacific ng World Health Organization (WHO), kailangan pa ng maraming healthcare workers sa bansa na tutulong sa pag-aasikaso sa mga nagpositibo sa COVID-19.

Maliban sa mga kama sa ospital, kailangan din ng bansa ang sapat na bilang ng mga healthcare workers maging ang magandang pasilidad at equipment para makapagtrabaho ang mga ito ng maayos.


Nabatid na nitong nakalipas na mga araw ay ilang grupo na rin ng mga health workers ang nagbabalang magbibitiw sa pwesto dahil sa delay ng pagbibigay ng gobyerno ng allowance sa kanila.

Sa ngayon, paliwanag pa ni Kasai na nananatiling maayos ang lagay ng pagbabakuna sa Pilipinas sa tulong ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Facebook Comments