Sunday, February 8, 2026

Pagpapalakas ng IAS para sa pagiging independent oversight, welcome sa PNP

Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang posibilidad na pagpapalakas ng Internal Affairs Service o IAS kahit na mahiwalay ito mula sa organisasyon.

Kasunod ito ng naging pahayag ng dating PNP Chief at ngayon Senate President Pro Tempore na si Panfilo Lacson kung saan sinabi nito na maghahain sya ng bill na gagawing independent ang IAS.

Layon nito na mabigyan ng mas malawak na kapangyarihan para sa pagharap sa mga tiwaling kapulisan.

Ayon kay Acting PNP Chief Lt. General Jose Melencio Nartatez Jr., ilang mga hakbang ang naipatupad na para mapanatili ang integreidad at kalayaan ng IAS sa pagtugis sa mga tiwaling myembro ng kapulisan sa buong bansa.

Tiniyak naman ni Nartatez sa publiko na aalisin nito ang lahat ng mga tiwaling pulis sa kanilang mga ranggo kung saan ito ang kanyang prayoridad.

Nangako rin sya na magiging ehemplo sa pagpapatupad ng law enforcemen, pagpapalakas ng pamamahala sa mga operasyon pati na ang paninindigan sa integridad at disiplina sa police organization.

Facebook Comments