Cotabato, Philippines – Hinimok ni Maguindanao Vice Governor Lester Sinsuat ang mga barangay officials na gumastos o gastusan ang kanilang Intel Network upang mas mapadali at maging mas epektibo ang pagkalap ng impormasyon sa kani-kanilang barangay hinggil sa mga kaganapan sa kanilang lugar bilang bahagi ng kampanya kontra terorismo at iligal na droga.
Sa kanyang talumpati kahapon sa ginanap na LGU summit againts terrorism and Illegal drugs sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, inihayag ni Vice Gov. Sinsuat na mahalagang gumugol ng salapi ang barangay officials makakuha lamang ng tamang impormasyon mula sa kanilang constituents para mas aktibo ang kanilang Intel network.
Sinabi pa ni Bise Gobernador na sa pamamagitan nito ay mapipigilan ang ano mang banta ng terorismo at maging ang pagpasok at pangre-recruit ng mga ito, hindi rin mag-aatubili na magpaabot ng impormasyon ang mga residente sa mga barangay officials kung may mga nakita at nasaksihang krimen lalo na kung sangkot ang iligal na droga.
Pagpapalakas ng Intel Network sa mga barangay, dapat gastusan
Facebook Comments