
Pursigido si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pagandahin ang internet access sa Eastern Visayas, lalo na sa malalayong lugar.
Sa pamamagitan ito ng bagong sistema na magpapalakas ng internet access sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs).
Sa Regional Development Council (RDC) meeting sa Tacloban City, sinabi ni Pang. Marcos na basta’t may GIDA, na hindi gaanong kalayuan sa fiber optic ay puwedeng kabitan.
Nasa plano rin ang pagtatayo ng tower.
Pero mayroon naman aniyang mga bagong teknolohiya na pwedeng gamitin gaya ng satellite para makapagbigay ng serbisyo ng internet sa mga isla na malayo sa fiber optic.
Welcome naman sa Samar LGU ang inisyatiba ng pangulo lalo’t makatutulong sa sektor ng edukasyon ang connectivity partikular sa GIDA communities sa kanilang lalawigan.
Bukod sa internet, tinalakay rin ng konseho ang iba pang regiobal concerns gaya ng supply ng tubig at kuryente, imprastraktura at mga serbisyong pangkalusugan.