Pagpapalakas ng kalakalan at seguridad, sentro sa bilateral meeting nina Pangulong Bongbong Marcos at New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern

Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., (PBBM) at New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern na magtutulungan para mas mapa-angat ang sektor ng kalakalan at seguridad.

Ginawa ng dalawang lider ang kasunduan sa kanilang bilateral meeting kaninang umaga na sidelines sa 29th Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand.

Ayon sa pangulo ng Pilipinas at New Zealand na matagal ng partner pagdating sa usapin ng kalakalan ay ngayon ay nasa stead pace o maayos na relasyon ang dalawang bansa.


Sinabi pa ni PBBM na kailangan maipagpatuloy ang magandang kalakalan dahil tumataas na ang populasyon ng Pilipinas.

Dagdag pa ng pangulo, kinakailangan din na mapalakas ang effort para makamit ang pang-matagalang kapayapaan.

Naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos na ang daan tungo sa kapayapaan ay nangangailangan ng pagkakaisa mula sa mga miyembro ng Asia-Pacific Region at ng buong mundo.

Sa mga nakalipas na bilateral meetings ni Marcos Jr., sa Thailand, una nang nitong tinalakay ang usapin sa food security, global health systems, climate change at iba pang mahahalang usapin sa Asia-Pacific Region.

Facebook Comments