PAGPAPALAKAS NG KAMPANYA SA PROTEKSYON SA MGA BATA AT INTER-AGENCY COUNCIL AGAINST TRAFFICKING AND VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN, TINALAKAY NG PANGASINAN PROVINCIAL COUNCIL

Isa planong tutukan ngayon ng kasalukuyang administrasyon ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ang ukol sa pagpapalakas ng kampanya sa proteksyon ng mga bata maging ang Provincial Inter-Agency Council Against Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) kung saan tinalakay ito sa ginanap na pulong kamakailan.
Ilan lamang sa mga hakbang na napag-usapan sa pulong ay ang pagbuo ng isang grupo o ng Technical Working Group upang tutukan ang paggawa ng maayos database system tungo sa pagbibigay ng mga impormasyon at datos para sa epektibong paghahatid ng programa at serbisyo ng pamahalaan, pagbabalangkas ng mas malawak at epektibong Child Protection Policy, napag-usapan din ang pagbuo ng ‘focal person’ para sa gagawing Provincial Inter-Monitoring Task Force (PIMTF) upang tutukan ang pag-implementa ng iba’t ibang programa ng probinsya.
Isa rin sa natalakay ang ukol sa muling pagbabago ng Provincial Children’s Code ng probinsya upang maipresenta ang kasalukuyang nakapaloob patungkol pa rin sa mga hakbang sa pagprotekta sa mga bata.

Samantala, ang naturang pulong ay dinaluhan ng iba’t ibang ahensya gaya na lamang ng DILG, PNP Pangasinan, at mga sangay ng pamahalaan ng probinsya. |ifmnews
Facebook Comments