Pagpapalakas ng kooperasyon ng ASEAN members kontra human trafficking sa Southeast Asia, ipinanawagan ng Pilipinas

Nais ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) na naging mas malakas pa ang kooperasyon ng ASEAN members, pamahalaan, at ng pribadong sektor sa kampanya kontra human trafficking sa Southeast Asia.

Ito ang naging sentro ng dayalogo ng IACAT, sa pangunguna ng Department of Justice (DOJ), sa 8th Manila International Dialogue on human trafficking sa Maynila na nilahukan ng mga local at international organizations.

Ayon kay DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla, layunin ng dayalogo na makapagbalangkas ng mga hakbang na makatutulong sa national oversight committee at mga task forces sa Southeast Asia upang malaman ang mga good practices hinggil dito.


Patuloy ring pinalalakas ng pamahalaan at ng pribadong sektor ang kampanya laban sa human trafficking.

Suportado naman ng Embahada ng The Netherlands ang naturang dayalogo.

Facebook Comments