Hindi lamang simpleng pagtuturo ng pagbasa at pagsulat ang layunin ng isinagawang unang Saturday session ng Project Tawiran sa Sitio Aplaya, Barangay Pangapisan North Lingayen kung hindi Sa pagbibigay-diin sa pangmatagalang paghubog sa kinabukasan ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang pundasyon sa literasiya.
Sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen, inihatid sa programa ang kahalagahan ng maagang edukasyon bilang susi sa mas malawak na oportunidad para sa mga batang mag-aaral.
Ang kakayahan umanong magbasa at magsulat ay hindi lamang kasanayan kundi isang mahalagang sandigan sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.
Dinaluhan ang aktibidad ng iba’t ibang sektor kabilang ang Local Youth Development Office, US Peace Corps Volunteer, mga daycare teacher mula sa MSWDO, at mga kinatawan ng Pangasinan Polytechnic College, Pangasinan Information and Media Relations Office, Pangasinan Provincial Library, Provincial Social Welfare and Development Office, at isang religious group na katuwang ng proyekto.
Samantala, inaasahan ding magbubukas ang LGU Lingayen ng oportunidad para sa mga guro at boluntaryo na nagnanais makibahagi sa Project Tawiran
Sa patuloy na implementasyon ng proyekto, inaasahan na mas maraming batang Pilipino ang magkakaroon ng matibay na simula tungo sa mas maliwanag na kinabukasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










