Pinagtibay na sa Kamara ang House Bill 8835 na layong palakasin ang microbiology profession sa bansa.
Sa botong 210 na sang-ayon at wala namang pagtutol ay naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang Microbiology Profession Act.
Layunin ng panukala na kilalanin at paigtingin ang kakayahan, kaalaman, at kapasidad ng mga microbiology practitioners.
Lilikha ng Professional Board of Microbiology na siyang mangangasiwa, magkokontrol at magre-regulate sa pagsasanay ng microbiology sa bansa.
Papayagan na rin ang iba pang professionals na nakarehistro sa Professional Regulation Commission (PRC) tulad ng mga doctors of medicine, veterinary medicine at medical technologist para ipagpatuloy ang practice ng microbiology profession.
Ang mga dayuhan ay maaari na ring magsanay ng microbiology sa bansa nang hindi na sasailalim sa microbiology licensure exam kaakibat na ang bansang pinagmulan ng dayuhan ay may kapareho ring kondisyon sa mga Pilipinong nagsasanay ng microbiology.