Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bumubuo ng Human Rights Summit 2020 na palakasin ang multi-sectoral engagement para sa mabuting Human Rights Environment.
Sa mensahe ng Pangulo sa pagsisimula ng Human Rights Summit 2020 ng Department of Justice (DOJ), binati nito ang summit bilang epektibong plataporma para sa international community na layong mapaigting ang aspeto ng proteksyon at pagtataguyod ng human rights.
Patunay lamang ito na seryoso ang Pilipinas sa pangako nito na igalang at tuparin ang treaty obligations, at gawing prayoridad ang human rights agenda para makamit ang sustainable development goals ng bansa.
Sa naturang event, binati rin ng Pangulo ang mga organizers, stakeholders, mga kalahok at mga bisita ng Human Rights Summit 2020.