Pagpapalakas ng PDITR strategy at pagbabakuna, ginagawang paghahanda ng pamahalaan saka-sakaling muling sumirit ang kaso ng COVID-19 pagkatapos ng halalan

Pinaghahandaan na ng gobyerno ang posibilidad na magkaroon muli ng COVID-19 surge sa bansa pagkatapos ng eleksyon sa Mayo.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center Chairperson (NVOCC) at Health Usec. Myrna Cabotaje na sa kasalukuyan ay pinaiigting ng pamahalaan ang Prevent, Detect, Isolate, Treatment, Reintegrate o PDITR strategy.

Gayundin ang pagpapalakas ng vaccination coverage, paghahanda sa mga ospital at pagbili ng mga gamot na makakatulong na panlunas sa COVID-19.


Ani Cabotaje, tuloy-tuloy rin ang ginagawang bio surveillance ng Philippine Genome Center para malaman kung nakarating na ang bagong variants sa bansa at malaman kung ano ang predominant variant sa ating mga kaso.

Kasunod nito, humihingi ng kooperasyon sa publiko si Cabotaje upang maiwasan ang pinangangambahang surge ng kaso pagkatapos ng Eleksyon 2022.

Facebook Comments