Buo ang pag-asa ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang pagtutulungan ng Pilipinas at Malaysia upang mapa-unlad ang Halal industry ay magbubunga ng maraming trabaho at oportunidad sa pagnenegosyo sa dalawang bansa.
Pahayag ito ni Romualdez makaraang i-anunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isang joint press conference kasama si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim ang pagpupulong ng Philippines-Malaysia Joint Commission.
Tinalakay dito ang pagpapalakas sa mga bagay kung saan mayroong kapwa interes ang dalawang bansa at kasama rito ang Halal industry gayundin ang sektor ng agrikultura, Islamic banking, edukasyon, turismo, kultura, sports, digital economy, at paglaban sa transnational crimes.
Ayon kay Romualdez, ang Malaysia ay isa sa nangunguna sa larangan ng Halal industry at nag-alok ito na tulungan ang Pilipinas na palakasin ang Halal industry sa bansa.
Sa pamamagitan ito ng pagbibigay ng kasanayan sa mga Pilipino partikular sa mga nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.