Binibigyang-diin ng National Corn Program ng Department of Agriculture ang pagpapalakas ng produksyon ng mais sa Rehiyon 1 at buong Luzon sa pamamagitan ng pagpapaigting ng teknolohiya, suporta sa mga magsasaka, at pakikipagtulungan sa mga stakeholder.
Bilang bahagi ng inisyatiba, isinagawa ang Luzonwide 18th Corn Congress sa Laoag City, Ilocos Norte kung saan tinalakay ang mga teknolohikal na kaalaman sa binhi, pataba, at pest management pati na rin ang mga oportunidad sa sustainable corn production.
Layunin ng programa na itaas ang productivity at kita ng mga magsasaka habang pinalalakas ang food security at katatagan sa sektor ng agrikultura.
Tiniyak ng ahensya ang patuloy na suporta at pakikipagtulungan sa pribadong sektor at iba pang stakeholders upang masiguro ang epektibong implementasyon ng mga programa at proyekto sa produksyon ng mais.









