Tinututukan ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas ang pagpapalakas ng produksyon ng palay matapos makatanggap ng binhi ang 484 na magsasaka bilang paghahanda sa darating na cropping season.
Kabuuang 1,520 sako ng inbred rice seeds ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo upang masuportahan ang kanilang pagtatanim at mapataas ang ani ng palay sa bayan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ito ng patuloy na hakbang upang mapalakas ang sektor ng agrikultura at matulungan ang kabuhayan ng mga magsasaka, lalo na sa harap ng patuloy na hamon sa produksyon.
Iba’t ibang uri ng binhi ang ipinamahagi na angkop sa lokal na kondisyon ng pagtatanim at inaasahang makatutulong sa mas maayos at masaganang ani.
Pinangasiwaan ang aktibidad ng mga kawani ng Municipal Agriculture Office bilang bahagi ng mga programang pang-agrikultura ng munisipyo.









