Nagbigay ng suhestyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga pwedeng gawin para magkaroon ng nutrition security ang bawat bansa.
Ilan aniya dito ang pagpapalakas ng produksyon sa agrikultura at pangisdaan, pagpapahusay ng logistics systems at pagbabago ng lifestyles ng mga tao.
Sa kanyang mensahe sa Panel Session on Moving Towards Nutrition Security sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, binigyan diin ng pangulo ang ideya ng paggamit ng climate-resilient technologies at pagsusulong ng urban at vertical farming upang mapalakas ang produksyon ng pagkain.
Dapat aniyang mamuhunan sa mga pasilidad, logistics at mga sistemang magdadala ng masusustansyang mga pagkain sa mga tao.
Binanggit nito ang malawak na farm to table at pagpapataas ng kapasidad ng mga institusyon upang ipatupad ang mga regulasyon na magpapalakas sa kalidad ng pagkain.
Ayon pa sa pangulo, dapat magkaroon ng mga teknolohiya na magtataas ng nutritional value ng mga pagkain food at magpapatagal ng shelf life.
Hinikayat din ng pangulo ang bawat isa na magkaroon nutritious lifestyle, para maisulong ang aktibo at malusog na pamumuhay.