Pagpapalakas ng salt industry, muling ipinanawagan ng isang senador

Muling ipinanawagan ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang pagpapalakas ng salt industry ng bansa bilang isang potensyal para sa paglago ng ekonomiya at oportunidad para sa dagdag na kita sa mga Pilipino.

Dahil dito, umapela si Legarda sa agad na pagpapatibay ng Senado sa Senate Bill 1870 na inaasahang tutugon sa mga hamon at agwat para gawing competitive ang salt industry sa local at international markets.

Layunin din ng panukala ang paglikha pa ng mas maraming hanapbuhay para sa mga salt farmer.


Tinukoy ni Legarda na walang katapusan ang oportunidad sa ekonomiya ng industriya ng pag-aasin lalo ang Pilipinas ay isang arkipelagong bansa subalit tila lumiliit ang sektor na ito at nakakabahala na tuluyang mawala.

Nababahala ang senadora na sa nakalipas na taon, ang asin na inaangkat ng bansa ay umabot na sa 550,000 metriko tonelada o katumbas ng 93 percent ng salt requirement ng bansa at inaasahang tataas pa ito sa mga susunod na taon.

Para mapalakas ang local salt production ng bansa, hiniling ni Legarda ang pagbibigay ng sapat at nakakaengganyong insentibo para sa mga investors na tiyak na makakatulong para mabawasan ang pagiging dependent ng bansa sa salt importation.

Facebook Comments