Pinagtibay ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ng gobyerno ng Canada ang kanilang pangako na magtulungan sa pagpapalakas ng skills development at pagbibigay ng mga oportunidad sa mga Pilipinong gustong magtrabaho sa Canada.
Kaugnay nito, muling nagpulong sina TESDA Director General Danilo Cruz at Canadian Health Minister Paul Merriman ng Saskatchewan Province para sa pagtutulungan nito sa tech-voc training, partikular sa healthcare at agriculture sectors.
Sa pamamagitan ng mga programang ito, libo-libong trabaho ang malilikha para sa mga Pilipino.
Ayon kay Cruz, patuloy na bubuo ng mga programa ang TESDA para magkaroon ang mga Pilipino ng sapat na training.
Facebook Comments