Pagpapalakas ng sports sa bansa, susi sa unity — PBBM

Kuntento si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kalidad ng bagong PhilSports Complex sa Pasig City.

Ayon sa Pangulo, sports ang pinakamabisang nagbubuklod sa mga Pilipino kaya titiyakin aniya ng pamahalaan na may sapat na suporta ang mga atleta at tuloy-tuloy ang pag-upgrade ng sports facilities.

Sa bagong pasilidad na ito, kumpleto na ang suporta para sa mga atleta: nutrisyon, training, sports science, at agarang gamutan para maging mas handa sa laban sa lokal at international na kompetisyon.

Personal ding ininspeksyon ng Pangulo ang mga bagong kagamitan at sinubukan pang buhatin ang barbell sa bagong gawang gym.

Dagdag pa ng Pangulo, senyales ito ng muling pagbangon ng sports infrastructure ng bansa.

Kaya naman pinuri ni PBBM si First Lady Liza na isa sa mga nangasiwa ng reconstruction ng pasilidad.

Facebook Comments