Pagpapalakas ng Sports sa bansa, tututukan ng Kamara pagkatapos ng SEA Games

66

Inihahanda na ni House Committee on Youth and Sports Development Chairman Eric Martinez na pag-aralan ang mga panukalang batas na inihain para sa pagpapalakas ng Sports sa bansa.


Ayon kay Martinez, sisimulan nila agad na pag-aralan sa Kamara kasama ang Philippine Sports Commission, Philippine Olympics Committee at Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee ang pagkakaroon ng Philippine Sports Academy para sa mga atleta.

Balak itatag ang akademya sa bagong itinayong Sports Hub sa New Clark City, Capas, Tarlac na magsisilbing School at training ground para sa mga atleta at coaches ng bansa.

Tiniyak din ni Martinez na mamadaliin na rin nila sa Kamara ang pag-apruba sa Department of Sports at kumpyansang ito ay susuportahan din ng Counterpart Bill ng Senado.

Samantala, batid ng mambabatas na maraming uri ng Sports sa Pilipinas na hindi natutukan na maaari palang ipanglaban sa mga malalaking sporting events tulad ng Olympics.

Mas naka-focus aniya tayo sa basketball, volleyball at football kaya hihimayin nila sa Kongreso ang iba pang sports na may malakas na panlaban din ang mga Pilipino.

Facebook Comments