
Bukas ang Philippine Consulate General sa Milan sa bagong kampanya ng Department of Tourism (DOT) gamit ang Milan tram system.
Ito’y upang mapalakas ang tourist arrival mula Italy papasok ng Pilipinas bilang bahagi na rin ng pinakamabilis na pag-recover sa tourism market ng Pilipinas sa bansang Europa.
Base sa datos ng Konsulado mula January hanggang April ngayong taon, tumaas ang tourist arrival ng 73% mula Italy kumpara noong nakaraang taon 2024.
Ang kampanya ng promosyon sa turismo sa Milan ay asahan naman hanggang sa katapusan ngayong buwan.
Facebook Comments









