Pagpapalakas ng turismo sa Tawi-Tawi, hiniling ng isang senador

Suportado ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang pagpapalakas ng turismo sa lalawigan ng Tawi-Tawi.

Kaugnay nito ay umapela si Tolentino na paghusayin at itaas ang bilang ng mga flights sa Tawi-Tawi.

Marami aniyang mga kababayan at turista ang interesado at gustong bisitahin ang probinsya.


Nangako si Tolentino na kikilos sa Senado para suportahan ang mga pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mahikayat ang mga turista na pasyalan ang Tawi-Tawi.

Hinimok din ng mambabatas ang publiko na ikonsidera bilang susunod na vacation destination ang lugar lalo’t napakaganda at maikukumpara sa Boracay Island ang karagatan ng Tawi-Tawi.

Facebook Comments