Nais ni Health Sec. Teodoro Herbosa na mapalawak at mapahusay pa ang pagtutulungan sa pagitan ng Pilipinas at United Kingdom.
Ayon kay Herbosa, kasama na dito ang pagpasok sa Public-Private Partnerships para mapagbuti pa ang primary care system at mga inisyatibo sa pagkontrol sa kanser sa bansa.
Ipinaabot ni Herbosa ang hangarin nito kasunod ng pagkikita nila ng Ambassador ng British Embassy sa Maynila.
Dito ay napag-usapan ang panukalang Memorandum of Understanding on Health Cooperation ng dalawang bansa.
Matagal nang may ugnayan ang Pilipinas at United Kingdom na humantong sa pagkakatatag sa Health Technology Assessment Unit noong 2012.
Facebook Comments