Mas paiigitingin ng pamahalaan ang mga hakbang para mapalakas ang suplay ng tubig sa gitna ng inaasahang pagdating ng La Niña phenomenon sa malaking parte ng Mindanao sa mga susunod na buwan.
Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hinggil sa tugon ng pamahalaan sa mga mabababa o low-lying areas sa Cotabato at Maguindanao.
Ayon sa pangulo, nagbago na ang approach ng gobyerno sa usapin ng flood control at irigasyon.
Kung dati aniya ay tinitingnan ng pamahalaan ang partikular na paggamit ng tubig kung ito ay para sa irigasyon, hydro, o panggamit sa bahay, ngayon ay ginagamitan na ito ng naangkop na makabagong teknolohiya.
Partikular na rito ang paglikha ng mga bagong dam na may iba’t ibang mga gamit tulad ng pag-convert ng tubig para sa pang-araw-araw na gamit sa bahay, irigasyon, flood control, at hydro-electric power.