Pinapalakas pa ng pamahalaan ang healthcare system ng bansa.
Ito ay sa kasunod na rin ng banta ng Omicron variant.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, kabilang sa mga hakbang na ginagawa ngayon sa mga ospital ay ang paglalaan ng sapat na kama at medical equipment gayundin ang pag-iimbak ng mga kakailanganing gamot at paghahanda sa ating mga healthcare worker.
Kasabay nito, sinabi ni Nograles na pinalalakas din ang 4-door policy para maharang at maantala ang pagpasok ng Omicron variant sa Pilipinas.
Kabilang sa 4-door policy ay ang paghihigpit sa mga patakaran o restrictions, pagpapaigting ng testing at quarantine protocols, pagpapatupad ng prevent, detect, isolate, testing at reintegration (PDITR) strategy ng mga Local Government Unit at pagpapairal ng granular lockdown sa mga lokalidad kung kinakailangan.