Maaaring magkaroon ng collaboration ang Pilipinas at Australia sa aspeto ng agrikultura at enerhiya maliban pa sa ibang areas of cooperation.
Ito ang inhayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kaugnay sa kanilang naging bilateral meeting ni Australian Prime Minister Anthony Albanese.
Ayon sa pangulo, maraming koneksyon sa pagitan ng Pilipinas at ng Australia kung saan ay maaaring mapalakas ng dalawang bansa ang may kinalaman sa agriculture at renewable energy.
Samantala, inihayag ni Pangulong Marcos na nagbigay sa kanya ng back up ang lider ng Australia kaugnay sa stand ng presidente na kailangan na talagang tugunan ang climate crisis na itinuturing na pangunahing global challenge sa ngayon.
Kasama sa bilateral meeting nina Pangulong Marcos at Albanese sina dating pangulo at ngayo’y Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, House Speaker Martin Romualdez at Trade Secretary Alfredo Pascual.