Pagpapalakas sa Agrikultura sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, tiniyak ni  Da Secretary Piñol

Katunayan nilagdaan na nina Agriculture Secretary Manny Piñol  at BARMM Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform Minister Mohammad Yacob ang  ilang memorandum of agreements para sa mga proyekto.

Kabuuang P303-Million ang ilalaan ng DA para sa  mga proyekto para mapalago pa ang agrikultura sa  BARMM.

Nakapaloob sa nilagdaang  MOA ang mga programa para sa  high value crop development, konstruksyon ng farm-to-market roads at solar-powered irrigation systems, at livestock development at iba pa.


Nais ng DA na mapalakas ang sektor ng agrikultura ang pangingisda  sa bagong geopolitical entity.

Kaugnay nito plano ni Secretary Piñol na pulungin ang municipal agriculture officers, provincial agriculture officers, at mga  stakeholders upang magkaroon ng workshop at bumuo ng roadmap para sa  agricultural development doon.

Facebook Comments