Pagpapalakas sa cyber defense, target ng pamahalaan kasabay ng Balikatan Exercise

Target ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mapalakas ang kakayahan ng bansa sa cyber defense sa pamamagitan ng taunang military drill kasama ang Estados Unidos.

Ayon kay Maj. Gen. Marvin Licudine, direktor ng exercise, layon ng bansa na matuto ng cyber defense mula sa isang karanasan at matagal ng kaalyadong bansa.

Aniya, kailangan pa kasi ng Pilipinas na mapaunlad ang kakayahan sa larangan ng cyber defense at makasabay sa makabagong teknolohiya.


Nabatid na bahagi ng Balikatan Exercise ang cyber defense drill.

Ang 38th PH-US Balikatan Exercise ay ang pinakamalaking Balikatan Exercise sa pagitan ng dalawang bansa na nagsimula kahapon, April 11 hanggang April 28, 2023.

Facebook Comments