Pagpapalakas sa digital career system, itinutulak sa Kamara

Isinusulong ni Committee on Civil Service and Professional Regulation Chairman Frederick Siao ang mga panukala na magpapalakas sa digital career system ng bansa.

Dahil sa pandemic at sa paglipat ng publiko sa digital system mula sa online selling at online learning ay inihain ni Siao ang House Bill 7048 o National Digital Careers Act at House Bill 7049 o National Digital Transformation Act.

Sa ilalim ng House Bill 7048 ay pinatatatag ang gobyerno ng legal framework na sakop ang online freelancing na layong maitulak at mapalakas ang digital careers, gayundin ang ma-institutionalize ang employment standards para sa mga digital career workers at mapaunlad ang kakayahan ng mga ito sa pamamagitan ng mga pagsasanay, skills development at scholarship programs.


Samantala, layunin naman ng House Bill 7049 na bumuo ng national framework para sa digital competency, information at data literacy, communication and collaboration, digital content creation at iba pa.

Isa rin sa pangunahing probisyon ng panukala ang adoption ng Information and Communication Technology (ICT) para maiangat ang competency ng mga guro sa pagtuturo.

Facebook Comments