Pagpapalakas sa energy sector, makatutulong upang mapanatili ang mababang inflation —NEDA

Kumpiyansa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na ang paglakas ng sektor ng enerhiya gayundin ng transportasyon ang daan para mapanatiling matatag ang inflation sa bansa.

Ito ay matapos iulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbagal ng inflation rate ng bansa sa 3.7% nitong Hunyo mula sa 3.9% noong Mayo.

Ayon sa NEDA, malaking bagay ang pagbaba ng singilin sa kuryente gayundin sunud-sunod na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo noong Hunyo.


Naging daan anila ito para bumaba ang presyo ng mga pangunahing produkto at serbisyo.

Sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, nananatili silang committed na maabot ang 3% hanggang 4% na target inflation rate kung patuloy na bababa ang singil sa kuryente at ang oil price rollback.

Facebook Comments