Ipinanawagan ni Senate President pro tempore Loren Legarda ang kooperasyon at healthy competition sa pamamagitan ng pagpapabuti ng halal industry at halal tourism sa bansa matapos ang paggunita ng Eid’l Adha.
Napuna ng senadora na kahit may batas na Republic Act 10817 o ang Philippine Halal Export Development and Promotion Act ay nahuhuli pa rin ang Pilipinas sa paggawa at pag-certify ng mga halal products.
Naniniwala si Legarda na bukod sa magiging epekto ng pagpapalago ng halal industry sa ekonomiya ng bansa ay magbubunga rin aniya ito ng ‘inclusivity’ at makakatibag sa mga social barriers.
Paalala ng senadora ang batas ay mandato ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) at hanggang ngayon aniya ay hindi pa nagagamit ng ahensya nang buo ang mga oportunidad na bukas sa halal market.
Hinimok pa ni Legarda ang lahat ng sangay ng gobyerno na pag-aralan ang mga trend at silipin ang malawak na potensyal ng halal industry.