Iginiit ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang pangangailangan na mapalakas ang healthcare system kasama ang surveillance system.
Sinabi ito ni Go makaraang ideklara ng World Health Organization ang monkeypox bilang public health emergency of international concern.
Diin ni Go, dapat higpitan na ngayon ang pagbabantay sa monkeypox upang hindi ito makapasok at kumalat sa ating bansa katulad ng nararanasan ngayon sa mga European countries, America, Australia at Canada.
Ayon kay Go, sana ay nadala na tayo noon na naging lingid sa ating kaalaman na nakapasok na pala sa bansa ang COVID-19 na nagdulot ng matinding problema.
Itinuturing ni Go, na eye opener ang sinapit natin sa ilalim ng pandemya upang pag-ibayuhon natin ang pamumuhunan sa ating healthcare system.