Iginiit ni Senator Alan Peter Cayetano ang pangangailangan na mapalakas ang Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay para epektibong labanan ang katiwalian sa hanay ng mga pulis sa bansa.
Sinabi ni Cayetano na dapat maramdaman ng mga pulis na may institusyong nagbabantay sa kanila at may kakayahang panagutin ang ito mula sa pinakamababang ranggo hanggang sa pinakamataas.
Kaugnay nito, inirekomenda ni Cayetano na ilipat ang IAS sa ilalim ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa halip na sa PNP Chief.
Sa ganitong paraan, aniya ay magiging mas malaya ang IAS na imbestigahan ang anumang kaso nang hindi pinakikialaman o ginagantihan ng sangkot na partido.
Poprotektahan din aniya nito ang mga matuwid na pulis na ginagawa lang ang kanilang trabaho.
Inirekomenda rin ni Cayetano na gawing mas mabilis ang promosyon at pagandahin ang sweldo ng mga pulis na magpapasyang maging bahagi ng IAS.