Pagpapalakas sa immigration procedures, iginiit ng AFP

Manila, Philippines – Iginiit ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang pagpapalakas sa immigration procedures para mapigilan ang pagpasok sa bansa ng mga dayuhang terorista.

Ito ang inhayag ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla sa isinagawang Mindanao hour sa Malakanyang.

Tugon ito ni Padilla sa pagkakaroon ng mga dayuhang kasama ng maute terror group na nakikipagbakbakan sa militar.


Paliwanag ni Padilla, ang mas mahigpit na immigration procedure ang unang line of defense ng bansa para hind makalusot ang foreign terrorist.

Binigyang diin pa ni Padilla na kailangan na ring tingnan ang Human Security Act para mas maging matibay ang mga maaring aksyon para harangin ang pag-pasok ng mga lawless elements sa bansa.

“Kaya kailangan din patibayin natin o palakasin natin ‘yung ating procedures sa Immigration. So ito ‘yung unang line of defense natin eh. Kaya nga noong nakaraang linggo, sinabi natin, iminungkahi natin na kinakailangan siguro na tingnan nang mabuti ‘yung Human Security Act para mas maging matibay ‘yung pwedeng gawin para harangin ‘yung pag-pasok ng mga ganitong klaseng indibidwal,” ayon kay Brig. Gen. Padilla.

Facebook Comments