Pagpapalakas sa kapangyarihan ng ICI, isinulong sa Kamara

Iginiit ni Navotas City Representative Toby Tiangco na mapalakas ang kapangyarihan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa pag-iimbestiga laban sa katiwalian.

Nakapaloob ito sa House Bill No. 5699 na inihain ni Tiangco, na nagtatakda ng pagtatag ng Independent Commission Against Infrastructure Corruption (ICIAC) na didinig at mag-iimbestiga sa lahat ng anomalya at kontrobersiya sa mga proyektong pang-imprastraktura sa bansa.

Base sa panukala ni Tiangco, bibigyan ng kapangyarihan ang komisyon na magsampa ng kaso, maglabas ng subpoena, at magsulong ng preventive suspensions at hold departure orders.

Layunin ng panukala ni Tiangco na mapanagot o maipakulong ang mga nasa likod ng korapsyon at mabawi ang kanilang mga ninakaw mula sa pera ng taumbayan.

Facebook Comments