PAGPAPALAKAS SA KARAPATAN AT KABUHAYAN NG MGA NASA SEKTOR NG AGRIKULTURA SA PANGASINAN, IGINIIT NG ISANG SENATORIAL CANDIDATE

Iginiit ni Senatorial Candidate Kiko Pangilinan ang pagpapalakas sa karapatan at kabuhayan ng mga nasa sektor ng agrikultura sa Pangasinan.
Aniya, isa pa rin sa pangunahin at dapat na bigyang pansin ay ang mga magsasaka at mangingisda na isa sa mga prodyuser ng pagkain na siyang pangunahing pangangailangan ng tao.
Dagdag ni Pangilinan, madalas na naidudulog na problema ng mga Pilipino ay ang mataas na presyo ng bilihin kaya dapat umanong pagtibayin pa ang sektor na nagbibigay ng suplay ng pagkain upang magkaroon ng kakayahan na mapababa presyo ng mga bilihin.
Iginiit din nito na kinakailangang naaayon na mga programa at proyekto para sa kanila upang tunay na maramdaman ang abot-kayang mga bilihin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments