Tututukan ng gobyerno ang mga paraan na maaari nitong i-abot sa Micro, Small, Medium Enterprises (MSMEs) sa bansa, para madala ng mga ito ang kanilang mga produkto sa international market.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, isa sa mga tinalakay sa nagpapatuloy na World Economic Forum ang globalization sa hanay ng mga maliliit na negosyante.
Papasok aniya dito ang benepisyo ng Free Trade Agreement, kung saan nagkakaroon ng setup sa pagitan ng iba’t ibang bansa.
Kung saan maaaring mag-benta ng diretso o business to consumer ang mga maliliit na negosyante.
Pwede rin ang business to business setup.
At posible rin ang pagbi-benta ng kanilang produkto sa isang exporter sa Pilipinas, na siya namang maglalabas ng kanilang produkto sa international market.
Dagdag pa ng kalihim, sa isang sesyon na kaniyang dinaluhan, natalakay ang iba’t ibang mga paraan upang matulungan ang mga maliliit na negosyante na magkaroon ng access sa pagpo-pondo para makarating ang negosyo sa global market.