Umaapela si Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., sa gobyerno na palakasin ang mga hakbang para mapigilan ang “unhealthy habits” ng mga kabataan tulad ng paninigarilyo at pagbi-vape.
Panawagan ito ni Abante sa pamahalaan makaraang makakuha ng iskor na 60 ang Pilipinas sa 2023 Tobacco Industry Interference (TII) Index, na mas mataas kumpara sa 59 noong 2022 at 58 noong 2021.
Ang TII Index ay isang paraan ng pagsukat sa antas ng pakiki-alam ng tobacco industry sa paglalatag ng bansa ng polisya na may kinalaman sa tobacco.
Bunsod nito ay hinikayat ni Abante ang mga kapwa mambabatas at mga naglalatag ng polisya na maging alerto laban sa mga pagtatangka ng industriya ng tobacco na hikayatin ang mga kabataan sa mga gawain o bisyo na makakasama sa kalusugan tulad ng pagtangkilik sa sigarilyo at vape.