Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagprayoridad nito sa modernization ng state security forces dahil sa patuloy na banta ng drug, criminality at insurgency.
Sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA), binigyang-diin ni Pangulong Duterte na sa pag-upo sa pwesto noon ay malala na ang problema sa communist insurgency, proliferation ng illegal drugs at criminality.
Sa mga panahong ito aniya ay kulang na kulang sa mga kagamitan ang Armed Force of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Kaya naman, isa aniya sa kanyang iprinayoridad ay ang pagpapatatag ng institusyon upang mapataas ang morale ng PNP at AFP.
Facebook Comments