Sunday, February 8, 2026

Pagpapalakas sa MSMEs, tugon sa problema sa kawalan ng trabaho sa bansa

Pinatututukan ni Senator Joel Villanueva sa pamahalaan ang pagpapalakas sa mga micro small and medium enterprises (MSMEs) para matugunan ang problema sa unemployment at underemployment sa bansa.

Kaugnay na rin ito sa pinakahuling datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan bahagyang bumaba sa 4.4 percent ang unemployment rate noong Nobyembre o katumbas ng 2.25 million na mga Pilipinong walang trabaho, mas mababa rin kumpara sa 5 percent na naitala noong Oktubre.

Tinukoy ni Villanueva na sa Pilipinas, 99.63 percent ng mga nakarehistrong negosyo ay MSMEs na may katumbas na 66.97 percent ng kabuuang employment noong 2023.

Pinatitiyak ng senador na magagamit ang 2026 budget para mapalakas ang MSMEs upang makalikha ng trabaho sa mga kababayan walang permanenteng hanapbuhay.

Kaugnay nito ay pinaaaprubahan din agad ng senador sa mga kapwa mambabatas ang inihaing Senate Bill 1155 o ang MSMEs Stimulus Act para ma-institutionalize ang suporta sa mga maliliit na negosyo.

Facebook Comments