Pagpapalakas sa Philippine Commission on Women, ikinalugod ng Kamara

Ikinalugod ng Kamara ang pagpapatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order 167 na nagpapalakas sa Philippine Commission on Women (PCW).

Sa pamamagitan ng EO ay pinapaigting nito ang organizational structure ng PCW sa pamamagitan ng ranggo sa chairperson nito at pagbubukas ng komisyon sa mas marami pang sektor.

Ayon kay Deputy Speaker Bernadette Herrera, ikinatutuwa nila at pinagpapasalamat ang pagkilala ni Pangulong Duterte sa papel at saklaw ng PCW bilang pangunahing policy-making at coordinating body para sa mga kababaihan at mga usapin ng gender equality.


Bukod sa magsisilbi na full-time ang PCW Chairperson na may rank na Undersecretary ay magkakaroon din ng mga dagdag na kinatawan para sa senior citizens at Persons with Disabilities (PWDs).

Naniniwala ang mga kongresista na mas magiging epektibo ang mga polisiya na magbibigay benepisyo sa lahat ng sektor ng mga kababaihan sa bansa.

Facebook Comments