PAGPAPALAKAS SA PRODUKSYON NG BANGUS SA PANGASINAN, TUTUTUKAN NG SAMAPA

Target na mas mapalawig at mapalakas pa ang produksyon ng bangus sa lalawigan ng Pangasinan, ayon kay Samahan ng Magbabangus sa Pangasinan (SaMaPa) President Christopher Sibayan.

Sa ekslusibong panayam nito sa IFM News Dagupan, ito ay sa pamamagitan ng ilulunsad na mga programa at proyektong mabebenepisyuhan ang mga bangus growers sa lalawigan.

Isa na rito ang nakatakdang muling pag-arangkada ng Good Aquaculture Practices na may layong maibahagi sa mga fisherfolks ang mga nararapat na hakbangin upang mas mapabuti nila ang kanilang produksyon ng bangus.

Tiniyak din nito na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng kooperatiba sa pamunuan ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA – BFAR Region 1) upang matiyak ang mga programang maisasakatuparan na makatutulong sa mga magbabangus ng probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments