Pagpapalakas sa produksyon ng mais para sa feeds, makakatulong para maibalik ang mataas na kalidad ng mga itinitindang manok sa merkado

Inirekomenda ni Albay Representative Joey Salceda ang pagpapalakas sa local production ng mais sa bansa para maitaas ang kalidad ng mga manok na itinitinda sa merkado at sa mga restaurant.

Ayon kay Salceda, nakipag-ugnayan siya sa mga supplier ng manok sa bansa at ang lumalabas na problema ay hindi ang kakulangan sa suplay ng manok kundi ang kalidad ng mga manok na ipino-produce sa bansa.

Tinukoy ni Salceda na tumaas ng 50% ang presyo sa corn feeds at 60% pa naman ng kabuuang pag-aalaga ng manok ay napupunta sa patuka o feeds.


Ito umano ang nagiging dahilan ng pagiging malnourished o pagliit sa “size” ng manok dahil binabawasan na lamang ng mga broiler raiser ang corn feeds na pangunahing pagkain ng mga ito.

Isa sa mga short-term solution na iminungkahi ng economist solon ay ang pagpapalakas sa produksyon ng mais sa ilalim ng National Corn Program lalo ngayong “corn peak season” mula Hulyo hanggang Setyembre.

Hiniling din ng kongresista ang pagbibigay sa mga magsasaka ng “fertilizer assistance program” tulad ng pagbibigay ng discount-coupons sa mga bibilhing pataba upang matiyak ang pagdami ng suplay ng mais na kailangan sa feeds ng mga manok.

Facebook Comments