Pagpapalakas sa purchasing power ng publiko, nakatulong sa paglago ng ekonomiya – NEDA

Naniniwala ang National Economic and Development Authority (NEDA) na ang pagpapalakas sa kapangyarihan ng publiko sa pamimili ang nakatulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Ipinagmalaki rin ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na kung tutuusin ay mas malakas pa ang ekonomiya ng Pilipinas kumpara sa mga karatig na bansa sa Southeast Asia.

Nakatulong din aniya sa paglago ng ekonomiya ng bansa ang infrastructure projects at ang pagtugon sa kahirapan.


Bukod pa aniya rito ang mga ipinatupad na reporma tulad ng food stamp program, pagsusulong ng Trabaho Para sa Bayan at ang tuloy-tuloy na pag-alalay sa mga magsasaka at mangingisda.

Una nang iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang paglago ng ekonomiya sa 6.3% nitong ikalawang bahagi ng taon kumpara sa 5.8% sa unang bahagi ng 2024.

Facebook Comments