Naniniwala ang National Economic and Development Authority (NEDA) na lumago ang ekonomiya ng bansa dahil sa mga ipinatupad na infrastructure project at agarang pagtugon sa kagutuman.
Kasunod ito ng naging ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na lumago ang ekonomiya ng 6.3 percent nitong ikalawang bahagi ng taon kumpara sa 5.8 percent sa unang bahagi ng 2024
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, mas nakakaungos pa rin ang Pilipinas sa aspetong pang ekonomiya kung ihahambing sa mga kalapit na bansa nito sa Timog-silangang Asya.
Ipinagmalaki ni Balisacan ang pagbaba ng poverty incidence, pagdami ng mga may trabaho ang siyang dahilan kaya’t lumakas ang purchasing power ng mga Pilipino.
Ito’y dahil sa mga ipinatupad na reporma gaya ng food stamp program, pagsusulong ng Trabaho Para sa Bayan at ang tuloy-tuloy na pag-alalay sa mga magsasaka at mangingisda sa kabila ng bumibilis na inflation.
Mapag-iibayo pa aniya ito kung makahiikayat pa ng maraming investor na siyang susi upang makalikha ng mga dekalidad na trabaho.