Mas paigtingin pa ang mga ipinapatupad na testing, isolation at contact tracing ng pamahalaan sa bansa.
Ito ang ipinanukala ni dating National Task Force on COVID-19 Special Adviser Dr. Anthony Leachon kasunod ng pagpalo sa 16 ang kaso na ng UK variant sa Pilipinas.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Leachon na bagamat hindi kasalanan ng Pilipinas na hindi natin agad na-detect na Dec. 10, 2020 pa lang ay nasa Pilipinas na ang bagong variant, mas dapat pang tutukan ngayon ang mga isinasagawang testing, isolation at contact tracing lalo na sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo.
Nababahala kasi si Leachon lalo na’t lumabas sa bagong pag-aaral ngayon ng United Kingdom na 30% ang mortality ng bagong variant at malaki ang posibilidad na maging “super spreader” ang mga menor de edad.
Dec. 10, 2020 dumating sa bansa, galing UK ang 23-years old na lalaki mula Calamba, Laguna ngunit nito lamang lumabas ang resulta na positibo siya sa UK variant.
Bukod dito, 12 pang indibiduwal mula Bontoc, Mountain Province ang positibo rin ngayon sa UK variant kung saan hindi pa rin tukoy kung sino ang carrier mga ito.