Tinututukan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang mga proyektong tutulong upang maibsan ang pagbaha na matagal nang problema sa syudad sa ilalim ng flood mitigation projects.
Kasabay ng planong pag-upgrade ng mga national roads partikular sa BPI intersection papunta sa bahagi ng MH del Pilar, Arellano Street at AB Fernandez Avenue na madalas bahain ay ang paglalagay ng mga drainage canal na nagpapatuloy na sa ilang barangay sa lungsod.
Alinsunod din dito ang naganap na pulong sa pagitan ng ilang business establishments at ilang utility groups ukol sa pagsasaayos ng mga mga kable at poste ng kuryente, maging ang pipelines na maaaring magalaw sa pagsasagawa ng naturang proyekto.
Layunin nitong maibsan ang problemang baha ng Dagupan City lalo na at parating na rin ang tag-ulan sa mga susunod pang buwan. |ifmnews
Facebook Comments